Stable na ang kundisyon sa hospital ng Chief of Police sa bayan ng Jipapad, Eastern Samar, matapos magtamo ng sugat sa ibat-ibang parti ng kayang katawan ng saksakin at tagain ng isang lalaki sa loob ng police station.
Kinilala ang biktima na si P/Lt Norben Carbonera, na ilang araw palang naka-upo bilang hepe ng nasabing Municipal Police Station
Kinilala naman suspek na si Ariel Ada, 37-anyos, residente nga Brgy. Tres, Poblacion.
Sa imbestigasyon, naka-upo umano ang biktima sa lobby ng istasyon, nang biglang dumating ang suspek at agad na pinagtataga at sinaksak ang biktima, agad naman itong sumigaw ng tulong at nabaril patay ang suspek ng isang nakaduting pulis.
Samantala, patuloy pa ang ginagawang imbistigasyon kung anu ang motibo sa krimen. (with reports from JASON DELMONTE – 93.5 BNFM TACLOBAN)