Sen. Gatchalian – naniniwalang masyado pang maaga para kunin na state witness si Sheila Guo laban kay Alice Guo

Naniniwala si Senador Win Gatchalian na malinaw na may alam si Sheila Guo sa mga nangyayari sa negosyo ni Alice Leal Guo o ‘Guo Hua Ping’ bagamat hindi niya ito tunay na kapatid.

Base kase sa kanilang nakalap na impormasyon, makikita na nasa mahigit siyamnapung dokumento na ang napirmahan nito bilang corporate secretary, Chief Financial Officer (CFO) at maging treasurer sa ilang kumpanya ng pamilya Guo.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Pero sa kabila nito, ipinunto ni Gatchalian na maaga pa para kuning state witness si Sheila lalo na’t butas butas din itong magbigay ng detalye o kwento.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Dagdag pa niya, tiyak niyang mahihirapan din sa pagsasagawa nito dahil iisa lang ang abogado ni Sheila at Alice at posibleng si Alice pa ang nagbabayad dito.