DND – nilinaw na walang plano ang Pilipinas na magtatag ng mala-nine-dash line sa WPS

Walang intensyon ang Pilipinas na itatag ang sarili nitong nine-dash line sa South China Sea.

Ito ang binigyang-diin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. sa deliberation ng House Committee on Appropriations sa proposed budget ng ahensya.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Sa kabila nito, iginiit ni Teodor na tila nag-procrastinate ang bansa sa pagtugon sa mga banta sa West Philippine Sea (WPS).

Aniya, dapat ay noon pa lang, o nung nakalipas pang mga taon – bumuo na ang pamahalaan ng mga forward bases.

Ito aniya ang paraan para maging mas matibay ang presensya ng Pilipinas sa katubigan.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Samantala, mababatid na una nang sinabi ng kalihim na ang China ay ang ‘greatest disruptor of peace’ sa West Philippine Sea.

Ilegal umano nitong kine-claim ang mga areas sa lugar kahit na labas na ito sa kanilang jurisdiction.