PRO-XI kay Quiboloy – sumuko ka na!

Nanidigan ang Police Regional Office – XI na hindi pulis ang kalaban ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.

Sa pulong balitaan, muling idiniin ni PRO-XI spokesperson Maj. Catheriine del Rey na ginagawa lang nila ang trabaho nila bilang mga pulis.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ang paghahain umano ng warrant ay utos ng Korte at hindi nino man.

Aniya, hinahanap lang naman daw nila si Apollo Quiboloy at hindi nila tina-target ang Cathedral, ‘o ‘yung mga miyembro ng KOJC.

Muli rin nitong pinabulaanang bobombahin nila ang bahagi ng compound, at wala rin umanong katotohanang pinutulan nila ng kuryente at tubig ang KOJC.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa huli, muling nanawagan si del Rey na sumuko na lang si Quiboloy at harapin ang mga kaso niya sa Korte.

Marami naman umanong magagaling na abugado si Quiboloy kaya kaya niyang depensahan ang kaniyang sarili.