Sen. Dela Rosa – umapela sa Pangulo na pakinggan ang hinaing ng mga KOJC members sa gitna ng pag-aresto kay Quiboloy

Nilinaw ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na wala siyang planong kwestyunin ang awtoridad ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng warrant of arrest na inisyu ng Korte.

Ngunit ang hindi lang umano niya maatim dito ay makitang may ilang mga inosenteng indibidwal ang naapektuhan nito tulad ng nangyayari sa pag-aresto kay Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa mga naunang ulat, matatandaang nasa mahigit dalawang libong PNP ang idineploy sa nasabing lugar na nagdulot ng tensyon at takot sa mga miyembro ng KOJC.

Kasunod nito, nanawagan siya sa Pangulo na pakinggan ang hinaing ng mga ito upang muling maibalik ang kanilang religious freedom at makapasok ang mga estudyante ng Jose Maria College Foundation Incorporated.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Sa kabilang banda, iginiit naman ni Senadora Risa Hontiveros na dapat ding mapakinggan ng Pangulo ang iyak ng mga naging biktima ni Quiboloy.

Dagdag pa niya, hindi sapat na rason ang relihiyon at paniniwala upang aktibong pigilan ang pagpapatupad ng batas ng bansa.