Maituturing umanong kahihiyan hindi lang sa bansa pero sa buong mundo ang pagkabigo ng gobyerno na ma-detect ang pagtakas ni Alice Guo mula sa batas.
Ito ang paniniwala ni Senador Win Gatchalian sa gitna ng usapin kay Guo na siyang napaulat na lumipad papuntang Malaysia, Singapore at Indonesia.
Sa kwento ni Sheila, sinabi niyang sumakay sila ng van mula sa kanilang farm at nag-transfer sa tatlong barko hanggang sa makarating sila sa Sabah, Malaysia.
Kasunod ng tila untraceable path na pag-alis nito sa bansa ay idiniin ng senador ang kahalagahan ng paggamit ng intelligence funds ng ilang ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Immigration (BI), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) upang malaman ang galaw o kilos ng mga kriminal.
Kaugnay nito, idiin din niyang tila balewala lang ang funds na ito kung hindi magagamit ng wasto sa paghahanap ng mga natatagong point of interest gaya ni Guo Hua Ping o Alice Guo.
Matatandaan, ayon kay Sheila, silang tatlong magkakapatid ang magkakasamang bumyahe patakas ng bansa.