Hiniling ni dating PNP chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa sa quad committee na hintayin siyang matapos sa kanyang termino bilang senador kung nais talaga ng mga ito na padaluhin siya sa kanilang pagdinig hinggil sa war on drug ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Dela Rosa, kung dumating ang panahon na yun ay mas maluwag na siyang makakakaharap sa Kamara dahil wala na siyang kinakatawang institusyon hindi tulad ngayon.
Dagdag pa niya, ayaw din daw talaga niyang sirain ang interparliamentary courtesy na mayroon sila sa mababa at mataas na kapulungan.
Pero ayon sa senador, kung matuloy man na ipatawag siya sa hinaharap ay handa naman siyang humarap sa mga ito anumang oras.