Pangulong Marcos, nagpasalamat sa tulong na ipinaabot ng Malaysia

Nagkausap sa telepono sina Pangulong Bongbong Marcos at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Nagpasalamat ang Pangulo sa tulong na ipinaabot ng Malaysia para sa Pilipinas kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Partikular na tinukoy ng Pangulo ang ipinadalang Eurocopter EC-725 ng Malaysia na malaking tulong anya para maihatid ang mga relief items sa mga lugar na lubog sa baha.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Muli namang pinagtibay ng Malaysian official ang commitment ng kanilang bansa na tulungan ang Pilipinas sa panahon ng krisis.