Sen. Bato – umaasang maninindigan ang Senado kung sakaling ipa-aresto ng ICC

Hindi pa umano tuluyang nagkakausap si dating Philippine National Police (PNP), Chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa at Senate President Chiz Escudero hinggil sa umuugong na isyung pagsisilbi ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) sa Setyembre.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Pero bagamat ganito ang sitwasyon, patuloy na umaasa si Dela Rosa na maninindigan ang institusyon ng Senado kung sakaling dumating man ang panahong ito.

Dagdag pa niya, umaasa rin siyang mananatiling ‘last bastion of democracy’ ito lalo na sa panahong biglaang mag-iba ang desisyon ng Palasyo.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Samantala, kung matuloy man ito, posible naman umanong lumapit ang senador sa Korte Suprema para sa clarificatory relief hinggil sa usaping ito.
#