Dalaga sumama sa mga ka-brad sa frat, bangkay nang nakita sa maisan

May mga person of intererst na ang Tukuran Police Station hinggil sa pagkamatay ng 19-anyos na dalaga matapos matagpuang naagnas sa gitna ng maisan sa Purok 4 Sandiya, Brgy Upper Bayao, Tukuran Zamboanga del Sur.

Sa ulat, kinilala ang bitkima na si Vegie Borres Walondre, residente ng Purok 6, Brgy. Kagawasan, Dimataling, Zamboanga del Sur.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon sa ama ng biktima, nagpaalam ito na may bibisitahing kaibigan sa bayan ng Tukuran kasama ang ibang myembro sa sinalihan nitong fraternity noong Lingo Abril 10 ngunit nang sumunod na araw hindi na nakauwi ang biktima kaya’t nagsumbong na sa kapulisan.
isang magsasaka ang nakakita sa bangkay ng dalaga, may mga saksak sa kanyang tiyan at pinaniniwalaang ginahasa muna ito bago pinaslangin. Hustisya ang panawagan ng pamilya ng dalaga.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City