Mga Pilipino sa Lebanon, pinalilikas na

Nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa Lebanon sa lahat ng mga kababayan nating naroroon na lisanin na ang bansa habang bukas pa ang mga paliparan sa gitna ng tensyon ng Hezbollah at Israel.

Sa inilabas na abiso ng embahada, pinapayuhan nito ang lahat ng mga Pilipino na unahin ang kanilang kaligtasan at lisanin ang bansa sa lalong madaling panahon.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Kung hindi man makakaalis ng Lebanon, pinapayuhan ang ating mga kababayan na mag evacuate sa mas ligtas na lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon, at Beeka Valley.

Para naman sa tulong sa Repatriation, mangyaring punan ang repatriation form sa pamamagitan ng link na matatagpuan sa opisyal na facebook page ng Philippine Embassy in Lebanon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Bukod dito, maari ring makipag ugnayan sa mga telepono ng embahada para sa agarang tulong.

Hinihimok ang bawat Pinoy na kumilos na at sundin ang mga tagubilin upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
#