Sen. Bato – nanindigang walang alam sa reward system

Tinawag na ‘sinungaling’ ni dating Philippine National Police Chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa si self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Kwento niya, wala namang katotohanan ang sinabi ni Espinosa na sumulat siya ng request para makauwi sa Pilipinas noong nasa Abu Dhabi siya.

Bilang suporta, ibinahagi ng senador sa Senate media ang isang news articl.e mula sa Abu Dhabi na nagpapatotoo nito.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa nasabing ulat, sinasabing gumamit pa ng ibang pangalan si Espinosa at naaresto ito ng Abu Dhabi Police.

Sa kabilang banda, nang matanong ang senador tungkol sa naging pahayag ni Retired police colonel Royina Garma tungkol sa pagreplika sa ‘Davao Model’ sa naging war on drugs ay iginiit niyang wala itong katotohanan.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Samantala, wala naman din umano siyang ideya sa motibo ni Garma sa likod nito pero bilang dating hepe ay iginiit niyang walang anumang ‘reward system’ siyang kinabilangan dahil wala rin siyang funds para rito.