221 OFWs mula Lebanon – pauwi na ng Pilipinas

Kinumpirma ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na wala pa ring Pilipinong nasasaktan sa nagpapatuloy na gulo sa Lebanon.

Kasunod ito ng panibagong raid ng Israel army na ikinasawi ng 22, at higit sa 100 nasugatan.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sa Saturday News Forum – sinabi ni Cacdac na patuloy pa rin ang monitoring nila sa ating mga kababayan doon.

Sa ngayon, doble-kayod na sila para sa repatriation ng mga OFWs.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mayroon nang 221 makauuwi ng bansa simula ngayong araw hanggang sa Octoner 28.

Mayroon ding pino-proseso ang DMW na nasa 350 na nais magpa-repatriate sa bansa.