Pinaghahandaan na ng Manila Police District (MPD) ang seguridad para sa Undas 2024.
Kinumpirma ito ni MPD-Public Information Office Chief Major Philipp Ines, nagsasagawa na sila ng tactical at strategic plan para sa seguridad ng publiko sa mga matataong sementeryo dito sa Maynila.
Kabilang dito ang Manila North Cemetery at South Cemetery, na inaasahang milyon-milyong bisita sa ibat-ibang panig ng Metro Manila at karating probinsya at lalawigan ang magtutungo sa sementeryo.
October 28 pa lang ay magpapakalat na sila ng kapulisan sa mga nabanggit na sementeryo.