Sen. Bato Dela Rosa, nasa Sitio Kapihan na

Ligtas na nakarating sa Sitio Kapihan sa Socorro, Surigao Del Norte si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, Senator Ronald Bato Dela Rosa habang sakay ng isang eroplano ng Philippine Airforce.

Ito ay upang magsagawa ng isang ocular inspection at imbestigasyon tungkol sa mga nangyayaring rape, sexual abused, forced labor at child marriage sa ilang residente ng hinihilang kultong Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI).

Maliban pa roon, una ng sinabi ng senador na layunin din nilang malaman ang detalye sa likod ng sinasabing mass grave rito.

Samantala, winelcome naman ng mala-Sinulog na sayaw na may halong palakpakan at sigawan ang pagdating ng senador.

Pagdating naman ng alas nwebe ay nagpunta na si Dela Rosa at ang mga ipinadalang staffs nina Senate Minority Leader, Senator Koko Pimentel at Senator Risa Hontiveros sa reception area upang kausapin ang ilang batang residente.

Matapos ng nasabing sesyon, ay inaasahang pupunta pa ang senador sa sentro ng bayan upang makipag-usap sa lokal na opisyales ng Socorro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *