BICOL—Muling pinaalalahanan ng Securities and Exchange Commission Bicol ang mga Bicolano laban sa iba’t-ibang modus ng mga scammer ngayong nasa gitna pa rin ng pandemya ang lahat.
Partikular na tinukoy ng komisyon ang mga grupo o nagpapakilalang kumpanya na humihingi ng investment ngunit walang kaukulang rehistro mula sa kanilang tanggapan.
Ilan sa mga ito ang SCET Coleens Corporation, FMD Logistics Trucking Corporation, Every Supermarket Tindahan Express Inc. / MP Sales Inc., SPAV Solutions Corporation/Emporia Institute/Emporia, Philaz/Philaz International Trade Co. Ltd., Money Game Hub/MGH Trading OPC (MGH), at Seafood Trade.asia/Shrimp Farming Seafood.asia Digital Marketing Services/Ong Shrimp Farming/Aqua Import Export and Properties Holdings Inc.
Para sa kumpletong listahan ng iba pang grupo o kumpanyang walang lehitimong rehistro sa SEC na naghihingi ng public investment, maaaring bisitahin ang kanilang website sa www.sec.gov.ph.
Mababatid na ilang investors sa islang lalawigan ng Catanduanes ang nabiktima kamakailan ng isang investment scheme ngunit kalaunan ay naglaho na ang mga taong kanilang kausap matapos mailagak ang kanilang mga pera.### || slm