NAGA CITY- Nakaabang na ang mga taga Naga at Camarines Sur sa pormal na magiging pasya ng Bicolanang si Vice President Leni Robredo sa halalan 2022.
Nagpahayag ng pagsuporta ang kilalang mga personalidad sakaling tumakbo siya bilang pangulo ng bansa habang marami pa rin ang umaasang kakandidato siya bilang Gobernador ng Camarines Sur kasunod ng kaniyang paglipat ng residency sa bayan ng Magarao.
Maliban sa mga taga suporta maging ang mga maka- Marcos at maka-Duterte ay may kanya-kanya nang opinyon sa social media.
Mababatid na sinabi ni Spokesperson Atty. Barry Gutierrez na may mahalagang anunsyo mamayang alas-11 ng umaga, Oktubre 7, 2021 si Robredo.
Una nang sinabi ng “Bicol Solidarity for Leni” volunteer movement na binubuo ng mga abogabo at iba pang grupo mula sa iba’t-ibang probinsya sa Bicol na anuman ang magiging desisyon ay igagalang nila ito.
Dati na ring sinabi ng co-lead convenor Atty. Angel Ojastro III na dating Chief of Staff ni dating Department of Interior and Local Government o DILG Sec. Jess Robredo , hindi naman ito laban ni Leni o ng sinumang tatakbo kundi laban ng mga Pilipino.