SC, madaling maibabaliktad ang disqualification case ruling laban kay Marcos – Guanzon

Kumpyansa si retired Commission on Elections commissioner Rowena Guazon na madaling maibabaliktad ng Korte Suprema ang resolusyon ng Comelec First Division na nagbasura sa disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Guazon sa forum na inorganisa ng Kawani Kontra Daya na mahina ang resolusyon na inilabas ng First Division.

Dagdag ni Guazon, tila ay cut and paste lamang ang desisyon na pabor sa kanila.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Matatandaan na isiniwalat ni Guazon bago siya magretiro na bumoto siya ng pabor sa diskwalipikasyon ni Marcos mula sa 2022 presidential race dahil sa “moral turpitude.

Naniniwala rin si Guanzon na sinadya ni Commissioner Aimee Ferolino na i-delay ang promulgasyon ng ruling.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Pero ayon kay Guazon, huli na si Ferolino sa pangde-delay nito ng promulgasyon, dahil naipasa na niya ang kaniyang separate opinion noong January 17 pa lang.

Iginiit ni Guanzon na kahit hindi nabilang ang boto niya, ay naging bahagi na ito ng records, na bagay na mababasa ng susunod na ponente o sakaling umakyat na ito sa Korte Suprema.