Naaresto ng pulisya ang isang suspect na tumangay ng 40-million mula sa mga na-scam nitong mga bitkima.
Kinilala ng mga otoridad ang suspect sa pangalang Crisanto Galicia Rodriguez.
Nahuli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cavite ang suspect sa pamamagitan ng isang entrapment operation kung saan ay tinanggap nito ang P75,000 marked money.
Ayon kay Police Captain Noel Seno ng CIDG Cavite, nagpakita ang suspect ng ID ng AFP na may ranggong Captain.
Gayunman, nalaman nila na hindi regular member ng AFP ang lalaki nang isailalim nila ito sa beripikasyon.
Napag-alaman rin ng mga otoridad na merong warrants of arrest ang suspect sa Caloocan at Bulacan dahil sa mga kaso ng estafa.
Ipinunto ni Seno na nakakuha si Rodriguez ng P500,000 mula sa isang complainant na pinangakuan niya na makakapasok sa isang malaking developer construction firm.
