LEGAZPI-Inaprubahan na ng Sangguniang Bayan ng Bacacay sa Albay ang resolution na humihiling sa Albay Power and Energy Corporation o APEC na imbistigahan na ang pinaka-ugat nang gab-gabing brownout sa bayan.
Ayon sa reklamo ng mga residente, bagamat wala naman na scheduled power supply interruption, nararanasan ang biglaang pagkawala ng suplay ng kuryente o kung minsan ay on and off ito simula alas 7 ng gabi hanggang alas 6 ng umaga.
Umabot na umano sa 2 linggo, araw-araw na nararanasan ang patay-sinding suplay ng kuryente at hindi na umano ito biro dahil ilang appliances na rin ang nasisira.
Sa bisa ng resolution na inihain ni Herbert Rodulf N. Bermas, Chairman ng Committe on Laws, Rules and Priveledges, hinihiling nito na matapos ang 15 araw na matanggap ang nasabing panawagan.