Heat naipilit ang do-or-die Game 7 vs Celtics

Napwersa ng Miami Heat na umabot sa Game 7 ang Eastern Conference Finals series nito laban sa Boston Celtics.

Binuhat ni Jimmy Butler ang Heat matapos itong humakot ng 47 points, 9 rebounds, at 8 assists sa Game 6 na nagtapos sa 111-103.

Bago ang magandang performance, dalawang laro na nanlamig si Butler na dahilan kung bakit nabaon ang kanyang koponan sa serye.

Tumulong din para sa Miami si Kyle Lowry na kumamada ng 18 points at 10 assists.

Tabla pa ang score sa huling 2:18 ng laban, 99-99, bago ang driving lay-up na Butler at mula dito ay hindi na lumingon ang Heat sa Celtics.

Nanguna para sa Boston si Jayson Tatum na nagtala ng 30 points habang may ambag naman si Jaylen Brown ng 20 puntos.

Sa Lunes gaganapin ang do-or-die Game 7 sa home court ng Heat at ang mananalo ay kakaharapin ang naghihintay nang Golden State Warriors.