Malilipot PNP, naglunsad ng community outreach program

LEGAZPI- Naglunsad ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Malilipot Municipal Police Station sa pamamagitan ng feeding program sa Barangay Binitayan, Malilipot, Albay.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Micheal Vincent Fortunado, Chief of Police, Malilipot MPS sa pakikipagtulungan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at ng religious sector ng nasabing barangay.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

May kabuuang 50 na kabataan ang nahandugan ng nasabing programa at nagkaroon din ng pamamahagi ng Information, Education and Communication (IEC) materials tungkol sa mga karapatan ng mga bata, NTF-ELCAC, Illegal Drugs and Crime Prevention and Safety Tips.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Layunin ng aktibidad na ipdadama sa mga kabataan ang serbisyo at pagmamalasakit ng PNP para sa kanilang kapakanan at upang magkaroon ng magandang ugnayan ang PNP at komunidad.