San Fermin Brgy. Hall, Cauayan City nakalock-down; 1 staff, nagpositibo sa covid-19

Pansamantalang nakalock-down ang barangay hall ng San Fermin, Cauayan City matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga staff nito.

Sa pagpapahayag ni Brgy. Capt. Victor Dy Jr. ay sinabi niya na nagsimula ang temporary closure sa kanilang barangay hall noong September 24 na magtatagal hanggang October 8, 2021.

Agad namang isinailalim sa antigen test ang mga staff na naging close contact ng nagpositibo kung saan halos lahat umano sila ay nagpositibo rin sa antigen test.

Kaugnay nito ay kinailangang sumailalim sa 14 days quarantine ang mga nagpositibo at sasailalim din sa confirmatory test. Pansamantalang suspendido muna ang pagbibigay ng barangay certification o anumang transaksyon sa barangay upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Read More:  20 of 36 health facilities in Kabankalan face flood risk, data shows

Pinayuhan din ang mga buntis na mayroong schedule ng check-up na magtungo muna sa RHU main sa Brgy. Cabaruan para sa kanilang check-up sa mga araw ng Martes at Huwebes.

Samantala, sa huling datos ng Cauayan City COVID-19 Task Force ay mayroong 82 ang kabuoang aktibong kaso ng tinamaan ng virus sa naturang barangay.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Ayon pa kay Kap. Dy, dahil sa dami ng bilang ng mga kaso sa kaniyang nasasakupan ay naglalagay sila ng mga tarpaulin na nakasaad na mayroong naka-home quarantine na positive patients sa mga bahay o papasok sa mga eskinita.

Nilinaw pa ng opisyal na ang naturang hakbang ay magsisilbing paalala sa mga residente upang sumunod sa health protocols at hindi i-discriminate ang mga nagka-COVID.

Ayon pa sa kanya, nagpapatuloy din ang pamamahagi ng ayuda mula sa LGU at barangay sa lahat ng mga nagpositibo.