Estudyante at menor de edad na miyembro ng NPA; bangkay na ng matagpuan nang kasundaluhan

Bangkay na nang matagpuan ng kasundaluhan ang isang estudyante at isang menor de edad na sumampa bilang miyembro ng rebeldeng pangkat ng NPA.

Ito ay matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng kasundaluhan at rebelde noong September 21,2021 sa Dungeg, Sta. Teresita, Cagayan na ikinasawi ng limang miyembro ng East Front Committee – Henry Abraham Command, Komiteng Probinsiya Cagayan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Army Major Jekyll Dulawan, ang Chief DPAO ng 5TH ID, kinilala ang menor de edad na tinaguriang child warrior na si Leo Teñoso Lucas alyas “Titan/Mio”, 16 anyos at kinilalang Kumander Rocky tubong Casambalangan, Sta. Ana, Cagayan.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Aniya, ayon sa ina ni Titan ay taong 2012 pa umano nang umanib ito sa kilusan kung saan nagsilbi na rin aniya itong vice commander ng front operations command ng East Front Committee.

Isa namang aktibong estudyante ng PUP sa kursong BA in Theater Arts na si Geian Espeña alyas Marlon tubong San Jose, Del Monte, Bulacan. 

Ayon pa kay Major Dulawan, alam umano ng mga magulang ni Marlon na ito ay aktibistang komunista sa ilalim ng Sinagbayan-PUP ngunit hindi alam na tuluyan na itong umanib  sa NPA noong 2020.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nagsilbi umanong political guide o propagandista kung saan kasama ito ng NPA upang magrecruit at nagsasagawa ng gawaing masa (GAMAS) o ang pagbuo ng organisasyon ng mga kabataan, magsasaka, kababaihan at iba pa.

Dagdag pa ni Army Major Dulawan, sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na umano ang pamilya ni Marlon sa otoridad para sa mga isasagawang proseso upang maiuwi sa kanilang lugar ang bangkay nito.

Binalaan naman ni MGen Laurence Mina ang Commander ng 5TH ID, PA ang komunistang grupo na huwag idamay ang kabataan sa kanilang armadong pakikibaka at pinaalalahanan ang mga kabataan na maging mahusay sa pagpili ng organisasyon upang maiwasang umanib sa komunistang NPA.