Roque umalma sa lookout bulletin na inilabas ng immigration laban sa kanya

Pumalag si dating spokesperson Atty. Harry Roque matapos na mag-isyu ng Immigration ng Lookout Bulletin Order laban sa kanya.

Ayon kay Roque, malinaw na harassment lamang ang ginagawa sa kanya.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Giit niya, ang tanging ipinagpipilitang isyu laban sa kanya ay ang pagsama niya sa isang Katherine Cassandra Li Ong para magpa-reschedule ng arrears payment at ang hindi ma-establish na organizational chart na basta na lamang inilagay ang kanyang pangalan.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Naniniwala rin umano si Roque na nais lamang patahimikin ang mga kritiko ng administrasyon.

Wala aniya siyang rason para sa isang lookout bulletin dahil wala siyang planong iwanan ang Pilipinas.