E-sabong pinag-aaralan na ibalik matapos ang total ban sa mga POGO sa bansa

Iminungkahi ng Philippine Charity Sweepstakes Office na pwedeng pag-aralan na ibalik ang e-sabong upang mapunan ang mawawalang kita sa gobyerno dahil sa total ban ng mga POGO sa bansa.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ito ay matapos na hamunin ni Deputy Speaker David Suarez ang PCSO na humanap ng innovative o makabong paraan upang mabawi ang halos 10 bilyong pwedeng mawala sa gobyerno.

Suhestiyon ng PSCO ibalik na lang ang e-sabong pero dapat idaan umano sa proper policies, safety nets at batas ang operasyon nito.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Naniniwala rin si PCSO Chairman Felix Reyes na posibleng makalikom ang gobyerno sa pamamagitan ng charity cockfighting.