Roque, no comment na sa isyu ng pangulo at anak na si Sara

Naniniwala si Presidential spokesperson Harry Roque na kaya inedit ang taped address ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil sa isyu ng pamilya sa pagitan ng pangulo at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon sa kalihim, ayaw na nyang makialam sa isyu ng mag-ama at di rin nya alam kung sino ang nag-edit ng parte kung saan sinabi ng presidente na di na sila tutuloy ni Senator Bong Go sa pagtakbo bilang presidente at bise presidente kung hangarin ni Mayor Sara ang posisyon ng pagkapangulo.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Pero, muling binigyang diin ni Roque ang pagnanais ni pangulong Duterte na tumakbo sa sa pagka bise dahil sa tingin nito ay di tatakbo ang kanyang anak sa pagka presidente.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Mababatid na naglabas ng pahayag si Mayor Sara Duterte noong Miyerkules na humihiling sa kanyang ama at kay Go na huwag gamitin ang kanyang pangalan bilang kondisyon sa pagtakbo sa 2022.