Slots para sa 6,500-cap na health workers deployed abroad, 900 na lang- POEA

Mahigit 900 na lang ang natitirang slot mula sa 6500 na annual deployment ceiling ng mga bagong hire na healthcare workers (HCW) sa abroad.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia,  mauubos na ang 6500 na cap dahil sa patuloy na pagdedeploy ng mga HCWs sa ibang bansa at patuloy pa silang tumatanggap ng application lalo na ng mga nurses.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Matatandaang noong Hunyo sinuspinde ang deployment ng mga nurses sa ibang bansa matapos mapuno ang initial na 5,000 cap para sa deployment  ng mga newly hired HCWs.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ang cap ay ipinataw noong 2020 sa gitna ng laban ng bansa kontra COVID-19. 

Kalaunan ay itinaas ng gobyerno ang cap sa 6,500 kasunod ng pag-alma ng mga health workers na nais magtrabaho sa ibang bansa.