PhilHealth, “bugbog” na dahil sa kontrobersiya- Gierran

‘Bugbog na kami’

Ito ang iginiit ni PhilHealth president Dante Gierran dahil sa mga kinakaharap na kontrobersiya ng kanilang ahensya.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay ng unpaid claims ng ahensya, sinabi ni Gierrran na nasasaktan na sila dahil sa mga kontrobersiyang ibinabato sa kanila gaya ng mga hindi pa nito bayad na utang sa mga ospital.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Sa kasalukuyan, nasa P21.1 bilyon pa ang unpaid claims ng PhilHealth sa mga ospital. 

Dagdag ng opisyal, humingi ng paumanhin si Philippine Hospitals Association president Dr. Jaime Almora sa kanya at inaming nag- “over-react” lang ito sa isyu ng pansamantalang suspension ng pagbabayad ng mga utang ng PhilHealth sa mga ospital na kasalukuyan pa umanong iniimbestigahan.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Di umano ito makatarungan dahil laging ang lumalabas ay ang PhilHealth na lamang ang laging mali.