Roque, itinangging naging abogado siya ng sinalakay na POGO

Itinanggi ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang alegasyon na naging abogado siya na Philippine Offshore Gaming Operator na Lucky South 99.

Sinabi nito na humingi lamang siya ng rescheduling ng pagbabayad ng renta at principal ng kaniyang kliyente na Whirlwind Corporation.

Paglilinaw din ni Roque na ang kanyang kliyente ay ang service provider ng Lucky South na may lisensiya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Ito ang naging ni Roque matapos ang alegasyon ni PAGCOR chief Alejandro Tengco noong dumalo siya sa Senate panel on women’s hearing kung saan nakaladkad ang pangalan na siyang nag-aabogado umano sa mga ilegal na POGO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *