Korte, pinaaaresto na ang pulis na umararo sa mga nagprotesta sa US Embassy noong 2016

Pinaaaresto na ng Korte sa Maynila ang pulis na nagpaandar ng sasakyan at sinagasan ang mga nagprotesta sa isang rally sa US Embassy noong 2016.

Ito’y matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Manila Trial Court Branch 7 laban kay P03 Frankin Kho para sa kasong tatlong bilang ng attempted homicide kaugnay ng marahas na dispersal ng protesta.

Itinakda ng korte ang kanyang piyansa sa P36,000 sa bawat bilang.

Sa Setyembre 2, 2024 naman ang kanyang arraignment at pre-trial.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *