Bamban Mayor Guo nanawagan sa SC na ipawalang bisa ang subpoena ng Senado

Nanawagan ang kampo ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang subpoena na inilabas laban sa kanya ng Senado kaugnay ng imbestigasyon sa ni-raid na POGO hub sa kanyang nasasakupan.

Bukod dito, hiniling din ng kampo ni Guo sa korte na utusan ang komite na huwag na siyang imbitahan o gawing resource person.

Nitong Miyerkules, na-cite in contempt na ng Seando si Guo at 22 iba pa dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig.

Ipinag-utos din ang pagpapalabas ng arrest order laban kay Guo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *