Robredo, umaasa na magiging propesyunal at patas ang mga bagong commissioners ng Comelec

Umaasa si Vice President Leni Robredo na magiging propesyunal at patas ang tatlong bagong commissioners ng Commission on Elections (Comelec).

Bukod kina Comelec chairman Saidamen Pangarungan at Comelec commissioner Aimee Neri, ay bagong appointee rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Comelec si George Garcia, na nagsilbi bilang lead counsel ni Ferdinand Marcos Jr. sa poll protest nito laban kay Robredo.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Ayon sa Bise Presidente, tiwala siya na hindi hahayaan ng commissioners na maging bahagi ang mga ito ng mga kaso kung saan ay maaring umiral ang kanilang biases.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Iginiit ng Pangalawang Pangulo na ang kumpyansa ng mga tao sa eleksyon ay nakabase sa kung gaano ka-unbiased ang Comelec at sa perception na wala itong kinikilingan.