Duterte at DOF, pinag-uusapan pa ang panawagan para sa suspensyon ng oil excise tax ayon sa Palasyo

Inabisuhan ng Malacañang ang publiko na hintayin ang resulta ng diskusyon sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte, Executive Secretary Salvador Medialdea, at ng Department of Finance kaugnay sa proposed suspension ng excise tax sa langis.

Inihayag ito ni acting presidential spokesperson Martin Andanar matapos itong hingian ng komento kaugnay sa sinabi ni Senator Franklin Drilon na pwedeng suspendihin ng DOF ang excise tax nang hindi na hinihintay ang magiging hakbang ng Kongreso at kung ipag-uutos ito ng Palasyo sa ahensya.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Ayon kay Andanar, hindi niya pwedeng pangunahan ang desisyon ng Pangulo at ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isyu.

Ipinunto niya na naglatag na ng mga suhestyon ang DOF na magpapagaan sa epekto ng serye ng oil price hikes sa bansa.

Noong Martes ay sinabi ng Palasyo na inaaral na nito ang posibleng deklarasyon ng state of economic emergency sa gitna ng epekto ng serye ng fuel price hikes at ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Ukraine.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Kaugnay nito ay iginiit ni Andanar na kailangang pagpulongan pa ng security cluster at ng economic cluster ang desisyon kung magtatakda ng treshold para sa presyo ng langis sakaling magkaroon ng deklarasyon ng economic emergency.