BTS member SUGA, nagdonate ng 100M won para sa wildfire victims

Bilang pagdiriwang sa kanyang kaarawan, nagdonate ang BTS member na si SUGA ng 100 million won para sa wildfire victims.

Ayon sa ulat, ipinadala ng rapper ang naturang halaga sa Hope Bridge National Disaster Relief Association, para matulungan ang mga apektado ng forest fires sa Uljin, Gyeongbuk at Samcheok, Gangwon.

Matatandaan na noong nakaraang taon, nagbigay rin si SUGA sa parehong organisasyon, para naman tulungan ang COVID-19 situation sa Daegu.

Pero bago pa man ang dalawang ito, noong 2019 na kaarawan nito, nagdonate ang naturang BTS member ng 100 million won sa isang non-profit organization na sumusuporta sa child cancer patients, habang noong 2018, nag-donate ito ng Korean premium beef sa maraming orphanages sa ilalim ng pangalan ng BTS’s fandom, na ARMY.