Rice for all program ng pamahalaan, magsisimula na bukas

Inanunsyo ni Agriculture Spokesman, Asec. Arnel de Mesa na magsisimula na bukas ang rice for all program ng gobyerno sa apat na Kadiwa outlet kung saan ang publiko ay makabibili ng P45 na per kilo ng well milled rice.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Kabilang sa apat na Kadiwa sites kung saan mabibili ang murang bigas ay sa FTI Taguig, Caloocan, Potrero, Malabon at sa Bureau of Plant Industry sa Manila.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Lilimitahan sa 25 kilos ang pwedeng mabili ng kada konsyumer.

Bukod sa P45 na kada kilo ng well milled rice, magiging available din sa mga nasabing Kadiwa outlet ang P52 na premium rice.