Muling hinimok ng Commission on Elections ang mga hindi naka boto sa dalawang magkasunod na eleksyon na magpa reactivate na ng kanilang registration.
Ayon kay COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco, ang Metro Manila ang may pinaka maraming deactivated voters mula sa lagpas limang milyong botante na inalis sa listahan bago pa man ang 2025 elections.
Dagdag ni Laudiangco, pinasimple na nila ngayon ang proseso sa reactivation.
Dahil nag iisa na lang ang form para sa reactivation na maaaring i-download sa kanilang website o hingin sa tanggapan ng COMELEC sa kanilang lugar.
Pwede itong i-scan, fill up-an at i-email sa mga election officer o di kaya’y isumite sa mga register anywhere ng COMELEC sa mga mall.