CAMARINES NORTE- Pinakawalan na noong isang Linggo sa Bicol Natural Park ang isang reticulated phyton ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang naturang uri ng ahas ay itinurn- over ni Kapitan Nino Bautista ng Barangay Mambungalon sa DENR sa pangunguna naman ni OIC PENRO Marlon C. Francia.
Batay sa Section 27 ng Republic Act (RA) 9147 o ang “Wildlife Resources Conservation and Protection Act mahigpit na ipinagbabawal ang paanghuhili at pag- aalaga ng of wildlife species ng walang kaukulang permit
Maaring makulong at pagmultahin ang sinumang mahuhuling lalabag sa naturang porbisyon ng batas.


Umapela naman sa publiko si DENR Bicol Regional Executive Director Francisco Milla, Jr na ireport sa kanila o isurender sa mga kinauukulan ang wildlife species para sa nararapat na disposisyon.
Noong mga nakaraang araw ay may iba’t- ibang wildlife species na rin ang nai- turn over sa DENR na kalaunan ay pinakawalan din sa wild.
Pagpapakita lamang ito na tumaas na ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng pangangalaga sa wild life species.
(Photo: DENR)

