2021 Brigada Eskwela nakatuon pa rin sa paglaban sa COVID- 19

CAMARINES NORTE- Nakatuon pa rin sa paglaban sa COVID- 19 ang isinasagawang Brigada Eskwela ngayong taon na may temang “Bayanihan sa Paaralan.”

Sa isinagawang Division Virtual Kick Off ng 2021 Brigada Eskwela sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon, binigyang diin ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo na tulad noong isang taon, nakatuon pa rin ito sa paghahanap ng mas maraming kaagapay at suporta ng mga stakeholders bilang paghahanda sa new normal delivery of classes.

Ayon kay Guemo hindi lamang ang physical aspect ng eskwelahan ang pinagtutunan ng pansin kundi mas higit ang paghahanda para sa distance learning dahil wala pang face to classes ngayong taon bunsod pa rin ng COVID- 19 pandemic.

“The focus of Brigada Eskwela is more on finding partners strengthening partners, getting the support of the stakeholders of the diff schools to prepare the school for the new normal delivery of the classes,” ani Guemo.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ani Guemo, ang physical aspect ay hindi lamang kalinisan ng eskwelahan kundi ang mahigpit na pagsunod sa health protocols.

Dapat aniyang siguruhin na nakahanda ang mga health items sa kada silid aralan, Office of the Principal at iba pang school buildings.

Ito aniya ang dahilan kung bakit pinayagan ang mga eskwelahan na bumili ng thermal scanner, face mask at vitamins.

Ginagawa umano ito ng DepEd hindi lang para protektahan ang mga guro at personnel nito kundi paraan din aniya ng pag protekta sa ibang tao.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

“We are doing that to protect yourselves because protecting yourseves is also a way of protecting others, so una muna nating i- ptotect ang buhay natin, because if we protect ourselves, then if we care fol ourselves then that already a manifestation of caring for others, so yun ang dapat nating isiping ngayong COVID 19 pandemic.

Don’t forget the observance of health protocols because those are very important and very necessary to protect ourselves.”

Nagsimula ang Brigada Eskwela noong August 3 at magtatapos hanggang September 30.