“Resbakuna sa Botika” umarangkada na Metro Manila

Umarangkada na ngayong araw ang pilot run ng vaccination drive sa mga piling drugstores at parmasya sa Metro Manila na tinawag bilang “Resbakuna sa Botika”.

Sinimulan ang naturang programa sa pitong mga durgstore na kinabibilangan ng Generics Pharmacy, Generika Drugstore, Healthway Clinic, Mercury Drug, Watsons, QualiMed, at Southstar Drug.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Tatakbo ang pilot implementation ng programa simula ngayong araw hangang bukas.

Ayon kay Presidential Adviser for Covid-19 Response Vivencio Dizon pagkatapos ng pilot run sa Metro Manila ay palalawigin pa ang programa sa iba’t-ibang probinsiya sa labas ng NCR.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Nilinaw naman ni Dizon na tanging booster shot lamang ang ibibigay sa mga participating drugstores na kasali sa “Resbakuna sa Botika”.