‘No vax, No ride’ policy ipa-intindi sa tao sa halip na pag-awayan – Go

Bukas si Senador Christopher Bong Go na maimbestigahan ang pagpapatupad ng ‘No Vaccine, No Ride’ policy kung kinakailangan.

Subalit binigyan-diin ni Go na halip na pag-awayan dapat umanong ipa-intindi sa tao ang naturang polisiya.

Ayon sa senador sa kanyang pagkaka-alam ang “no vax, no ride” policy, ay ipinatupad para maportektahan ang mga unvaccinated lalo’t nasa 85% ng mga nadadala sa pagamutan at ICU ay hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Paliwanag pa ni Go na ang nabanggit na polisiya ay isa lamang sa mga pandemic measures na ipinatupad ng gobyerno para iregulate ang galaw ng mga tao sa gitna ng tumataas na bilang ng mga natatamaan ng sakit.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Bagama’t hindi mandatory ang vaccination laban sa COVID-19 at hindi pwedeng pilitin ang tao, inihayag ng senador na dapat hikayatin pa rin ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna para maiwasan ang malubhang sakit o maging kamatayan dahil sa virus.