Nurses sa DOH; ‘Imonitor ang pamamahagi ng Special Risk Allowance’

Umapela ang grupo ng mga nurses sa Department of Health na mahigpit na imonitor ang pamamahagi ng Special Risk Allowance (SRA) ng mga healthcare workers.

Ito ay matapos ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P1.185 billion dagdag na pondo na nakalaan sa SRA ng mga medical frontliners.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Ayon kay Philippine Nurses Association (PNA) President Melbert Reyes, natutuwa sila sa ginawang hakbang ng pamahalaan subalit sana lang umano ay maging maayos ang pamamahagi nito.

Paliwanag ni Reyes marami sa kanilang mga kasamahan ang hindi nakakatanggap ng ibang mga benepisyo tulad ng meal, accomodation at transportation allowance at iba pang kompensasyon.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Binigyan diin ni Reyes na hinayaan kasi ng DOH na ipamahagi ng mga ospital ang SRA batay sa kani-kanilang interpretasyon ng batas.

Dahil dito hinimok ni Reyes ang DOH na ayusin ang guidelines sa pamamahagi ng SRA para maging patas sa mga frontliners.