LEGAZPI CITY – Dumaong kahapon ang Republic of Korea Ship LST-688 sa Tabaco City Port para sa pagsasagawa ng Pacific Partnership mission.
Sa nakalap ng impormasyon ng Brigada News FM Legazpi, dalawang linggong isasagawa ang aktibidad mula Agosto 1-15, 2024 sa lalawigan.
Sakay ang mga tauhan ng Korean Navy at kasama rin sa aktibidad ang Pacific Partnership Mission Commander para sa isang humanitarian mission sa lungsod.
Kung matatandaan, dumaong din sa pantalan ng Legazpi ang USNS City of Bismarck Ship.