Iginiit ng Department of Interior and Local Government sa MIMAROPA na hindi isasara sa turista ang bayan ng EL Nido at Coron Palawan.
Ayon kay DILG Regional Director Karl Ceasar Rimando, pagpupulungan pa lamang nila kasama ang Department of Tourism (DOT), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensya ngayong Agosto upang pagplanuhan ang problema sa dalawang tourist destination sa Palawan.
Ang problema ng Coron at El Nido ay ang maruming tubig nila roon dulot ng hindi maayos na water waste ng mga establisyemento.
Matatandaan, lumalabas sa pagsusuri ng Department of Health na ang Coron at El Nido ay nakapagtala ng mataas na E-Coli at Coliform Bacteria ang kanilang mga katubigan na makakaapekto sa kalusagan ng tao.
Samantala, pinabulaanan naman ni Regional Director Rimando na mayroong siyang pahayag na isasara ang dalawang tourist destination.