Reproduction number ng COVID-19 sa NCR, bahaygang tumaas – OCTA

Bahagyang tumaas ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila noong nakaraang linggo.

Ayon sa OCTA Research Group, umakyat sa 1.06 ang reproduction number ng covid-19 sa NCR mula noong nakaraang July 13 hanggang July 19.

Ayon sa grupo, noong April 18, 2021 pa nila huling namonitor ang ganitong kataas na antas ng hawaan ng covid-19 sa Metro Manila kung saan nakasailalim noon sa enhanced community qauarantine ang NCR plus.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Kaugnay nito, tumaas naman ng 11 percent ang covid-19 daily average case sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ng OCTA Research Group na ang nasabing pagtaas ng kaso ng “cause of concern” pero hindi pa ito dapat na ikaalarma dahil masyado pang maaga para matukoy kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Kabilang sa may mataas na reproduction number ay ang mga lungsod ng Maynila at Makati na nasa 1.1 hanggang 1.4.

Mayroon naman na one week growth rate ang mga lungsod ng Valenzuela, Pasay, Marikina at Paranaque.

Pumalo naman sa 100 percent ang ICU utilization rate sa lungsod ng Taguig.