Bubble policy, posibleng ipatupad muli sa NCR plus dahil sa Delta variant – DILG

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng magkahigpitan na naman sa mga susunod na araw dahil sa banta ng Delta variant.

Sa Laging Handa public briefing sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na muling pagpupulungan ng IATF sa darating na Huwebes kung kailangan na bang magpatupad muli ng mas mahigpit na restriksiyon.

Kasama aniya sa agenda ang mungkahi ng OCTA Research Group na ipatupad muli ang bubble sa NCR plus at muling pagkonsidera sa naunang patakaran na palabasin ang mga bata edad 5 taong gulang pataas.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon sa opisyal, pag-uusapan rin sa isasagawang pulong kung ano-anong preventive measures at protocols ang ipapatupad ng mga lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, natakda rin aniya silang mag-usap ng mga gobernador at alkalde sa NCR plus at mga urbanized city na apektado ng Delta variant.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Kailangan aniyang maihanda ang healthcare system at capacity, sakaling kumalat o magkaroon na ng community transmission ng Delta variant sa bansa.

Samantala, sakali aniyang ibalik ang mga checkpoints at boarder controls sa bubble policy, tiniyak ni Densing na hindi ipapatupad ang malawakang lockdown upang hindi aniya maapektuhan ang ekonomiya ng bansa.