Punong Barangay ng Sugod aminado na may mga residente na gumagamit ng mufflers sa motorsiklo

SORSOGON CITY – Hindi itinanggi ni Kapitan Edmundo Albor ng Barangay Sugod sa distrito ng Bacon na mayroong mga kabataan ang gumagamit ng maiingay na tambutso sa kanilang mga motorsiklo sa kanilang lugar, subalit binigyang-diin na minsan lang naman ito nangyayari at hindi naman madalas.

Ayon sa opisyal, ang nasabing problema ay kanila nang ginagawan ng aksyon sa pamamagitan ng pagbuo ng isang ordinansa na magbabawal at maghihigpit sa mgagumagamit ng muffler, mga walang driver’s license at pagpapatupad ng speed limit.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aniya, ang nasabing ordinansa ay hindi pa umano maaaring iimplementa dahil hihingin pa nila ang payo ng City Vice Mayor hinggil dito sa dahil gusto nilang makasiguro na walang magiging problema sakaling kanila na itong ipatupad.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Una rito, ilang concerned citizen ang nagpaabot ng nasabing reklamo sa Brigada News na pinasalamatan naman ng opisyal dahil sa di umano’y pagmamalasakit ng mga ito kasabay ng pagtitiyak  na hindi naman sila nagpapabaya.