Relief operations at response actions sa Cavite, nagpapatuloy para ssa mga apektadong residente ng oil spill sa Bataan

Nagpapatuloy ang isinagawang relief operations ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite katuwang ang iba’t-ibang ahensiya para sa mga apektadong residente ng oil spill sa Bataan mula sa lumubong na MT Terranova.

Ayon sa Cavite Public Information Office, sa Noveleta ay nasa 1, 162 mangingisda ang nakatanggap ng relief packs.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sa Cavite City, namahagi din ng food packs sa 2,867 na benepisyaryo habang isa pang batch ng mga mangingisda sa kawit ang nakatanggap ng tulong.

Samantala, nagpapatuloy ang Office of the Provincial Environment and Natural Resources Office katuwang ang Philippine Coast Guard at DENR-Cavite, sa pagsasagawa ng shore assessments sa mga apektadong baybaying lugar.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Nagsasagawa rin ng Rapid Disaster Assessment and Needs Analysis (RDANA) upang suriin ang epekto ng oil spill sa kabuhayan ng mga residente,at mga ocal tourism establishments.