PISTON – umapela sa gobyerno na pakinggan ang resolusyon ng Senado na nagpapasuspinde sa PUV Modernization Program

Nanindigan ang grupong PISTON na nagbibingi-bingihan ang Gobyerno sa naging resolusyon ng Senado na suspendihin na muna ang PUV Modernization Program.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PISTON deputy secretary-general Ruben Baylon – umapela ito kay Pangulong Bongbong Marcos na pakinggan ang hinaing ng Senado.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Aniya, kumampi raw kasi ang mga mambabatas sa sigaw ng mga tsuper na nawalan ng pangkabuhayan nang dahil sa consolidation na kalauna’y magiging modernization na.

Sa ngayon, ‘di pa raw nila tiyak kung susunod din ba sila sa MANIBELA na magbibigay ng libreng sakay sa Lunes.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Kasabay ito ng gagawing ‘unity walk’ ng mga pro-modernization groups, at ang posibleng kilos-protesta ng Magnificicent 7.

Ang tiyak umano sa ngayon, mayroon din silang sariling programa sa August 9.

Idaraos ito sa tanggapan ng LTFRB, para isigaw ang kanilang mga panawagan.