NAGA CITY – Tuluyan ng inalis sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang 250 miyembro nito sa Naga City matapos na hindi na sila qualified dahil sa graduate na rin ang kanilang tatlong mga anak na benipisyaryo ng programa sa kabila ng may iba pang mga anak ang mga ito.
Kahapon, inipon sila nina Annabelle Vargas, Head ng City Social Welfare and Development Office at pinaliwanagan ang mga ito na huwag mag-alala dahil sa ipapasok sila sa iba namang programa ng LGU-Naga na may ayuda, kung mag qualified sa gagawing re-evaluation at assessment.
Pagdating naman sa nabakanteng slots, sinabi ni Vargas sa Brigada News FM Naga, na ang Department of Social Welfare and Development Office-5 ang maglalabas ng mga bagong magiging benipisyaryo, subalit kailangan na dumaan muna sa prosesong regular na ginagawa bago maging miyembro ng 4Ps.